Joke Time: Filipino Jokes

16 06 2007

What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.

Do you know INNER ROW?
What is INNER ROW?
Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril, Mayow…

Different prayers of single women…
At Age 15: Lord, give me SuperMAN.
At Age 18: Lord, give me a cute MAN.
At Age 20: Lord, give me the best MAN.
At Age 30: Lord, give me a good MAN.
At Age 40: Lord, give me a MAN.
At Age 50: Lord, give me sinoMAN.
At Age 60: Lord, maawa ka naMAN.
At Age 70: Lord, kaya ko pa naMAN.
At Age 80: Lord, kahit hipo MAN lang.

Usapan ng dalawang mayabang…
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru’n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin
kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
‘Ikaw ba ‘yan, Dado?’ usisa ni Rodel.
‘Oo naman!’ tugon ni Dado.
‘Parang hindi totoo!’ bulalas ni Rodel. ‘O, ano, meron bang basketbol sa langit?’
Sagot ni Dado, ‘May maganda at masama akong balita sa ‘yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama… kasali ka sa makakalaban namin bukas!’

Misis: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na ‘to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa ‘yo!

Advantage at disadvantage ng may-asawa…
ADVANTAGE: ‘Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: ‘Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!

Sa isang classroom…
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Anak: Itay, nagpapatanong si ma’am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: ‘Yung tagaayos ng radio sa car!

Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama .
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino ‘yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!

Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa ‘kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: ‘Yun lang? Anong masama ru’n?
Harry: Ang masama ru’n… twins kami! Twins!


Actions

Information

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: